PCSO lotto jackpot prizes lumubo sa higit P408-M

PDI FILE PHOTO

Walang nakahula sa lumabas na kombinasyon sa Grand Lotto draw ng Philippine Charity Sweepstakes Office kagabi.

 

Ang kombinasyon na 9-13-41-36-49-45 ay may katapat na premyo na P205,096, 576.40.

 

Hindi din tinamaan ang nabunot kagabi na 43-29-18-12-33-13 sa 6/45 Megalotto na may premyo na P95,264,387.

 

Wala rin nanalo sa isinagawang magkakahiwalay na draws sa 6/42 Lotto, 6/49 Super Lotto at 6/58 Ultra Lotto noong nakaraang Martes.

 

Sa kabuuan, nasa P408,048,024 ang pinagsamang jackpot prizes sa limang lotto draws at ngayon gabi ay may draw para sa 6/49 at 6/42.

Read more...