Taas-suweldo sa lahat ng rehiyon, epektibo ngayong buwan

Tataas ang suweldo ng lahat ng minimum wage earners sa buong bansa ngayon buwan, ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE).

Huling nag-apruba ng umento ang Regional Tripartite Wages and Productivity Boards ng Eastern Visayas at Zamboanga Peninula Regions.

Sinabi ni Sec. Silvestre Bello III, P50 ang dagdag-sahod sa Eastern Visayas at magiging epektibo ito sa Hunyo 27, samantalang sa Hunyo 25 tataas ang suweldo ng P35 sa Zamboanga Peninsula.

Noong Hunyo 4, tumaas sa P570 ang arawan na sahod sa Metro Manila, sumunod sa Western Visayas, Ilocos at Caraga Regions.

Sumunod sa Cagayan Valley, SOCCSKSARGEN, Mimaropa at Central Visayas, bago sa Bicol at Northern Mindanao Regions.

Sa Hunyo 19 naman nang magiging epektibo ang umento sa Davao Region, kasunod ang Central Luzon at Calabarzon.

Read more...