Nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs Anti-Illegal Drugs Task Force (CAIDTF) ang 252 piraso ng illegal drugs na Ecstasy.
Nakalagay ang mga tableta ng Ecstacy sa sa isang package para sa Paranaque Postal Services na idineklarang mga make-up at beauty products.
Ayon kay Bureau of Customs Deputy Commissioner Ariel Nepomuceno, ang kontrabando ay nagmula sa Germany at dumating sa bansa noong huling linggo ng April.
Dahil sa walang label ang mga gamot ay ipinasuri ito sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at kinumpirma nila na Ecstasy ang mga nasabing mga tabletas na nagkakahalagang P378,000.
Nabatid na ang mismong consignee na hindi muna pinangalanan ang nag-claim ng package at noon din ay kaagad siyang inaresto ng mga otoridad.
Nakatakda namang sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang may ari ng nasabing illegal drugs.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.