Ilocos Norte Gov. Matt Marcos – Manotoc may COVID 19, ayon kay Sen. Imee Marcos

By Jan Escosio June 15, 2022 - 07:52 PM

MATTHEW JOSEPH MARCOS MANOTOC FB PHOTO

Ibinahagi ni Senator Imee Marcos na tinamaan uli ng COVID 19 ang anak niyang si Ilocos Norte Governor Matthew Marcos Manotoc.

 

Sinabi naman agad din ni Marcos na maayos naman ang kondisyon ng kanyang  anak bagamat todo-ingat na rin sila sa kanilang pamilya.

 

“Although okay naman siya matibay naman ‘yun. Kasing laki naman ng kalabaw. Nag-positibo nung isang araw, kaya medyo dahan-dahan kami pati dito sa Maynila,” sabi pa ng senadora.

 

Ito ang dahilan kayat suportado nito ang patuloy na pagsusuot ng mask at istriktong pagsunod sa mga minimum health protocols, lalo na kung nasa labas at sa pagbiyahe.

 

Diin niya, madali at napakahalaga ng safety protocols alang-alang sa kaligtasan ng pamilya.

 

Samantala, umaasa si Marcos na hindi na magpapatupad ng lockdowns sakaling dumami muli ang COVID 19 cases.

 

“Palagay ko no more lockdowns utang na loob no more lockdowns po, ingat ingat po, pls ang mga booster shots ng ating mga lola at lolo, gawin na,” bilin pa nito.

 

TAGS: COVID-19, Imee Marcos, lockdown, mask, COVID-19, Imee Marcos, lockdown, mask

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.