P2-M halaga ng cocaine na itinago sa tambutso ng motorsiklo, naharang
Naharang ng Bureau of Customs (BOC) Port of NAIA, Philippine Drug Enforcement agency (PDEA), at NAIA Drug Interdiction Task Group (NAIA-DITG) ang isang kargamento na naglalaman ng 445 gramo ng cocaine.
Ipupuslit sana ang naturang kargamento palabas ng Pilipinas patungo sa Hong Kong.
Unang idineklara ang kargamento na naglalaman ng mga tambutso, brakepads at radiator ng motorsiklo.
Nadiskubre na isinilid ang cocaine na nagkakahalaga ng P2.358 milyon sa tambutso ng motorsiklo.
Magsasagawa ang mga awtoridad ng mas malalim na imbestigasyon sa mga indibiduwal na sangkot sa ilegal na kalakan, na paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Drug Act at Republic Act 10863 o Customs Modernization And Tariff Act (CMTA).
Tiniyak ng BOC-NAIA at PDEA na mananatiling mapagmatyag ang NAIA-DITG upang maiwasan ang pagpasok ng mga ilegal na droga sa NAIA.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.