SOGIE Bill itutulak ni Sen. Risa Hontiveros sa 19th Congress
Pursigido si Senator Risa Hontiveros na isulong sa 19th Congress ang Sexual Orientation, Gender Identity and Expression (SOGIE) Equality Bill.
Sinabi ito ni Hontiveros kasabay nang pagselebra ng ‘Pride Month’ sa bansa.
Aniya napakahalaga ng SOGIE Bill dahil isang paraan pa ito para mapangalagaan ang karapatan ng mga miyembro ng Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender, Queer (LGBTQ)+ community.
“I’m ready to get back to work. We will use this 19th Congress to carve the runway to pass the SOGIE Equality Bill at long last,” aniya.
Diin pa niya; “We will use this as a fresh opportunity to renew and prioritize our fight for all sexualities and genders.”
Pagtitiyak pa niya ang panukala ay naaayon sa Saligang Batas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.