COPA maglalabas ng mga ebidensiya kaugnay sa dayaan sa halalan

By Jan Escosio May 26, 2016 - 04:08 PM

Boy SayconKinuwestiyon ng Council on Philippine Affairs ang pagtanggi ng Commission on Elections (Comelec) na magsagawa ng manual audit sa ginamit na election counting system na inihihirit ni Sen. Bongbong Marcos.

Ayon kay COPA Secretary-General Pastor Boy Saycon, kung walang itinatago ang Comelec dapat ay pagbigyan na ang hiling ni Marcos.

Sinabi rin ni Saycon na dapat ring masuri ang mga boto mula sa mga lalawigan ng Basilan, Sulu, Tawi Tawi, Zamboanga, Lanao del Sur, Lanao del Norte, Maguindanao at Sultan Kudarat.

Giit ni Saycon,  may mga testimoniya silang hawak kaugnay sa naganap na dayaan noong nakaraang halalan partikular na ang vote buying at disfranchisement ng mga botante.

Ang mga alegasyon na ito ay kinatigan ni dating Basilan Rep. Gerry Salapuddin na nagsabing sa mga susunod na araw ay may ihaharap pa silang mga dagdag na ebidensiya at testigo sa naganap na dayaan noong nakaraang halalan.

TAGS: comelec, copa, electoral fraud, Marcos, salapuddin, saycon, comelec, copa, electoral fraud, Marcos, salapuddin, saycon

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.