Dasal hiningi para sa paggaling ni Pope Francis

Humingi ng dasal para sa kalusugan ni Pope Francis si Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles John Brown.

 

Ibinahagi ng arsobispo na may nararamdaman ang Santo Papa sa kanyang tuhod kayat nakansela ang mga ‘scheduled engagements’ nito.

 

“Let us pray for Peope Francis especially during this time. Because of his knee that has been causing a lot of pain and difficulty, he postponed some of his activities,” ani Brown sa isang panayam sa radyo.

 

Una  nang ipinagpaliban ng Vatican ang biyahe ni Pope Francis sa South Sudan at Congo sa Hulyo 2 hanggang 7 dahil na rin sa payo ng kanyang mga doktor.

 

Hindi na rin magagawa pa ng Santo Papa ang pagselebra ng Corpus Christi Mass at ang prusisyon sa darating na Linggo, Hunyo 19, dahil sa kanyang kondisyon.

Read more...