‘Super spreader areas’ sa Muntinlupa City tinututukan sa health protocols
Magkatuwang ang pagbabantay ng City Health Office at mga barangay sa mga tinaguriang ‘super spreader areas’ para matiyak na istriktong nasusunod ang minimum health protocols.
Ginawa ang hakbang ng pamahalaang-lungsod kaugnay sa napaulat na pagdami muli ng mga bagong kaso ng COVID 19 sa Metro Manila.
Ang mga tinukoy na ‘super spreader areas’ ay ang mga basketball courts, malls, simbahan, palengke, public transport terminals at eskuwelahan.
“Tayo po ay muling magsasagawa ng hakbang sa ating mga kani-kaniyang barangay upang maiwasan muli ang pagtaas ng kaso sa ating lungsod,” sabi ni City Health Office acting chief, Dr. Juancho Bunyi.
Payo pa nito ang ibayong pag-iingat upang maiwasan ang pagdami pa ng nahahawa ng COVID 19 sa lungsod.
Hanggang kahapon, may 24 active cases sa Muntinlupa City at walo ang bagong kaso.
Sa siyam na barangay, tanging ang mga Barangays Bayanan at Buli ang nanatiling ‘COVID 19 free’ sa nakalipas na 18 at 17 araw.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.