Comelec nilusob ng mga guro na nagsilbing BEI noong eleksyon

By Chona Yu May 26, 2016 - 03:14 PM

Bautista
Inquirer file photo

Tatlong linggo matapos ang eleksyon, sumugod ang grupo ng mga guro sa harapan ng tanggapan ng Commission on Elections (Comelec) sa Intramuros sa Maynila upang ipanawagan na maibigay na ang honorarium para sa kanilang election duties.

Dala ang mga malalaking placards ay kanilang hiniling sa pamunuan ng poll body na ibigay ang nararapat na bayad para sa kanila.

Ayon naman kay Comelec Chairman Andres Bautista, nakausap na nya ang ilan sa kanilang finance staff ukol sa isyu at aminado naman ito na may ilan pang mga guro na nagsilbi bilang miyembro ng Board of Election Inspectors (BEI) ang hindi pa nababayaran hanggang sa ngayon.

Tiniyak din ng opisyal na personal niyang tututukan ang reklamo ng mga gurong nagsilbi sa nakalipas na halalan.

Una na ring hinimok ng Comelec ang mga guro na gamitin ang social media at ipadala ang detalye ng kanilang reklamo para mas mapadali ang kanilang pag-aksyon sa mga ito.

TAGS: bautista, BEI, comelec, elections 2016, bautista, BEI, comelec, elections 2016

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.