Mananatiling mandatory ang paggamit ng face mask sa bansa bilang proteksyon laban sa COVID-19.
Pahayag ito ng Palasyo ng Malakanyang bilang tugon sa ordinansa sa Cebu na hindi na obligado ang pagsusuot ng face mask.
Ayon kay acting presidential spokesman Martin Andanar, hindi nababago ang utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na manatili ng magsuot ng face mask.
“The Chief Executive’s directive is clear: Continue wearing face masks; and the Department of the Interior and Local Government has instructed the Philippine National Police to implement the existing IATF resolution on wearing of face masks accordingly,” pahayag ni Andanar.
“We reiterate and support the legal opinion of the Justice Secretary that the Inter-Agency Task Force (IATF) resolution on the mandatory wearing of face masks shall prevail over the executive orders by local government units, including the one issued by the provincial government of Cebu,” dagdag ni Andanar.