Limang nominado ng P3PWD party-list group, sabay-sabay na nagbitiw sa puwesto
Sabay-sabay na nagbitiw sa puwesto ang limang na nominado ng Komunidad ng Pamilya, Pasyente at Persons with Disabilities o P3PWD party-list group.
Ayon kay Commission on Elections (Comelec) spokesman Attorney John Rex laudiangco, 1:00, Martes ng hapon (Hunyo 14), nang maghain ng public documents sa Comelec Law Department ang P3PWD.
Nakasaad sa liham na nagbibitiw sa puwesto sina Grace Yeneza, Ira Paulo Pozon, Marianne Heidi Cruz Fullon, Peter Jonas David at Lily Grace Tiangco.
Papalit sa kanila bilang nominee sina dating Comelec Commissioner Rowena Guanzon, Rosalie Garcia, Cherrie Belmonte-Lim, Donnabel Tenorio at Rodolfo Villar Jr.
Nilagdaan ang liham ng kanilang secretary-general na si Donnabel Tenorio.
Ayon kay Laudiangco, sasailalim pa sa deliberasyon ng en banc ng Comelec ang hirit ng P3PWD party-list group.
Nakakuha ang P3PWD ng isang puwesto sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.