Pangako ni President-elect BBM na P20 kada kilo ng bigas, malabo sa ngayon – Pangilinan
Malabo na matupad sa ngayon ang ipinangako ni President-elect Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. na gagawing P20 ang kada kilo ng pinakamurang bigas.
Ito ang sinabi ni Sen. Francis ‘Kiko’ Pangilinan at aniya, ito ay bunga ng kakulangan ng pondo para suportahan ang sektor ng agrikultura.
“Given the whole set-up, that would be difficult. They have already admitted that it is hard to attain right now. Because if you want to bring down the price of rice to P20, then you have to bring down the cost of production of rice,” sabi ni Pangilinan sa panayam sa telebisyon.
Dapat din aniyang ikunsidera ang iba pang mga dahilan, isa na ang irigasyon, transportasyon at kalidad ng mga binhi.
Diin ni Pangilinan, hindi simple o madali na maibaba ang presyo ng bigas dahil kailangan ng suporta sa pondo at mapagbuti ang pagiging produktibo ng mga magsasaka sa pamamagitan ng suporta sa pestidyo, abono, mabilis na pagdadala ng mga produkto sa mga pamilihan.
“Sa atin, doubling the agriculture budget with the end view of improving production and incomes of our farmers and fisherfolk is the way to go,” diin pa nito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.