LANY, nagdagdag ng isa pang araw sa sold-out concert sa Nobyembre
By Angellic Jordan June 14, 2022 - 03:37 PM

Nadagdagan pa ang araw ng napipintong sold-out concert ng LANY.
Sa Instagram, inanunsiyo ng LANY na ikalimang araw silang manghaharana sa mga Filipino fans sa Maynila.
Katulad ng unang apat na araw ng concert, sa SM Mall of Asia Arena rin isasagawa ang ikalimang araw ng concert sa Nobyembre 16.
Magbubukas ang bentahan ng ticket para sa show Nobyembre 16 sa Hunyo 16 bandang 10:00 ng umaga.
Maliban sa Maynila, bibisitahin din ng LANY ang Taipei, Bangkok, Kuala Lumpur, Singapore at Jakarta.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.