P36 milyong halaga ng taklobo, nasabat ng PCG sa Cebu; 12 suspek arestado

By Chona Yu June 14, 2022 - 02:08 PM

(PCG photo)

Arestado ang 12 katao matapos makumpiskahan ng 133 na piraso ng broken giant clam shells o taklobo sa Daanbantayan, Cebu.

Ayon sa ulat ng Philippine Coast Guard, nagsagawa ng entrapment operation ang kanilang hanay katuwang ang Coast guard Intelligence Group Central Visayas, Criminal Investigation Group at Philippine Air Force laba sa mga suspek.

Tinatayang nagkakahalaga ng P36 milyong halaga ng giant clam ang nasamsam ng mga awtoridad.

Agad namang itinurn-over ang mga nakumpiskang giant clam sa Bureau of Fisheries and Aquatic resources sa Tapilon Port sa Daanbantayan.

 

 

TAGS: cebu, Daanbantayan, news, PCG, Radyo Inquirer, Taklobo, cebu, Daanbantayan, news, PCG, Radyo Inquirer, Taklobo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.