Manila-Bali flights ng PAL, ibabalik na sa Hulyo
Ibabalik na ng Philippine Airlines (PAL) ang kanilang flights sa pagitan ng Manila at Bali simula sa Hulyo.
Kasabay ito ng unti-unting pagbubukas ng international travel.
Ayon sa airline company, may nakatakdang tatlong flight sa pagitan ng Manila at Ngurah Rai International Airport kada linggo simula sa Hulyo 1.
Aalis ang flight sa Maynila tuwing Miyerkules, Biyernes, at Linggo bandang 7:55 ng gabi.
Aalis naman sa Bali ang return flights tuwing Lunes, Huwebes, at Sabado bandang 5:05 ng madaling-araw.
Magdadagdag din ang PAL ng dalawang weekly departing flights mula sa Manila tuwing Lunes at Sabado, habang ang return flights sa Martes at Biyernes simula sa Agosto 1.
“We are excited to be able to fly leisure and business travelers to Bali, one of the world’s most spectacular and beloved destinations,” saad ni PAL vice president for sales Bud Britanico.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.