Bilang ng pumanaw dahil sa COVID-19, umabot na sa lagpas 6.33 milyon

AFP photo

Mahigit 6.33 milyon na ang bilang ng mga nasawing COVID-19 patient sa buong mundo.

Batay sa huling tala, umakyat na sa kabuuang 6,332,494 ang nasawi sa iba’t ibang bansa bunsod ng nakakahawang sakit.

Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang nasawi dahil sa COVID-19 ang Estados Unidos na may 1,036,084.

Sumunod na rito ang Brazil na may 668,230 na pumanaw bunsod ng pandemiya.

Nasa 524,777 naman ang death toll sa India habang 380,076 ang napaulat na nasawi sa Russia.

Narito naman ang naitalang COVID-19 death toll sa iba pang bansa at teritoryo:
– Mexico – 325,205
– Peru – 213,338
– United Kingdom – 179,274
– Italy – 167,432
– Indonesia – 156,652
– France – 148,841
– Iran – 141,352

Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 541,044,314 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.

Nasa 516,373,632 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.

Read more...