Papalo sa 400 hanggang 500 kaso ng COVID-19 ang maitatalang kaso ng COVID-19 pagdating sa June 30.
Sa Laging Handa Public Briefing, sinabi ni Dr. Guido David ng OCTA Research nagkakaroon na kasi ng uptick sa mga tinatamaan ng naturang virus.
Pabilis ng pabilis aniya ang mga naitatalang kaso ng COVID-19 sa nakalipas na mga araw.
Katunayan, mula sa 10 percent, tumaas na sa 53 percent ang kaso ng COVID-19.
Maging ang 7-day average ay tumaas din.
Mula sa 86 na kaso kada araw na naitatala noong mga nakaraang linggo, pumalo na ito ngayon sa 131 na kaso kada araw.
Tumaas din aniya ang reproduction number aat nasa 1.59 na ngayon habang bahagyang tumaas din ang positivity rate pati na ang hospitalization care utilization rate sa Metro Manila.