500 na kaso kada araw ng COVID-19 ibinabala ng isang health expert

By Chona Yu June 14, 2022 - 12:52 PM

 

Papalo sa 400 hanggang 500 kaso ng COVID-19 ang maitatalang kaso ng COVID-19 pagdating sa June 30.

Sa Laging Handa Public Briefing, sinabi ni Dr. Guido David ng OCTA Research  nagkakaroon na kasi ng uptick sa mga tinatamaan ng naturang virus.

Pabilis ng pabilis aniya ang mga naitatalang kaso ng COVID-19 sa nakalipas na mga araw.

Katunayan, mula sa 10 percent, tumaas na sa 53 percent ang kaso ng COVID-19.

Maging ang 7-day average ay tumaas din.

Mula sa 86 na kaso kada araw na naitatala noong mga nakaraang linggo, pumalo na ito ngayon sa 131 na kaso kada araw.

Tumaas din aniya ang reproduction number aat nasa 1.59 na ngayon habang bahagyang tumaas din ang positivity rate pati na ang hospitalization care utilization rate sa Metro Manila.

 

 

TAGS: COVID-19, Guido David, news, OCTA, Radyo Inquirer, COVID-19, Guido David, news, OCTA, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.