Sen. Bong Go may paalala sa pagtaas ng COVID 19 cases

By Jan Escosio June 14, 2022 - 08:21 AM

Photo credit: Sen. Bong Go/Facebook

Pinagbilinan ni Senator Christopher Go ang mamamayan na magdagdag ingat at istriktong sumunod sa health and safety protocols.

Ginawa ito ng senador kasunod ng anunsiyo ng Department of Health (DOH) na may bahagyang pagtaas ng kaso ng COVID 19 sa Metro Manila.

“Huwag tayong makumpiyansa. Huwag nating sayangin ang magandang takbo ng ating pandemic response at vaccine rollout,” hirit ni Go at dagdag pa niya; “ Mas palakasin pa natin ang pagbabakuna lalo na ng booster shots para hindi na tumaas muli ang kaso ng nagkakasakit.”

Ayon sa namumuno sa Senate Committee on Health bagamat nananatili ang Metro Manila na ‘low risk,’ 14 sa 17 lungsod at bayan ang nakapagtala ng pagtaas ng mga kaso.

Nabatid na ang positivity rate sa Kalakhang Maynila ay tumaas sa 1.6 porsiyento.

Kayat muling nanawagan si Go sa mga pambansa at lokal na opisyal na paigtingin pa lalo ang pagpapabakuna, lalo na ang distribusyon ng booster doses.

Diin pa ng senador dapat ay manatili ang disiplina kasabay nang paghahnda sa ‘new normal.’

TAGS: COVID-19, Metro Manila, news, Radyo Inquirer, Senador Bong Go, COVID-19, Metro Manila, news, Radyo Inquirer, Senador Bong Go

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.