Sen. Leila de Lima sasailalim sa operasyon

By Jan Escosio June 14, 2022 - 08:12 AM

Naghain ng petisyon ang kampo ni Senator Leila de Lima para makalabas ng kanyang kulungan sa Camp Crame at makabalik ng ospital para sumailalim sa operasyon.

Ibinahagi ni Atty. Filibon Tacardon, abogado ni de Lima, na hiniling nila na makalabas ang senadora ng Hunyo 19 at tatagal hanggang Hunyo 25.

Sinabi ni Tacardon na kailangan na sumailalim sa hysterectomy o ang pagtatanggal ng matris si de Lima sa Manila Doctors Hospital.

Aniya ipinarating na nila sa Muntinlupa City RTC Branches 204 at 256 ang kanilang kahilingan.

Dagdag pa ni Tacardon, sinabi ng doktor ni de Lima na kailangan na maisagawa na agad ang operasyon.

Nabanggit nito na may pagdinig sila ng Hunyo 27 para sa kanilang petisyon naman na makapag-piyansa at nais ni de Lima na dumalo bagamat ito ay depende sa kanyang magiging kalagayan matapos ang operasyon.

TAGS: leila de lima, Manila Doctors Hospital, news, operasyon, Radyo Inquirer, leila de lima, Manila Doctors Hospital, news, operasyon, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.