BCDA nag-remit ng P7.38-B sa Bureau of Treasury

Inanunsiyo ng Bases Conversion and Development Authority (BCDA) ang kanilang P7.38 bilyong remittance sa Bureau of Treasury sa taong 2022.

Bukod pa sa pagsuporta sa modernisasyon ng Sandatahang-Lakas ng Pilipinas.

Ang halaga ay mataas ng 60.81 porsiyento sa P4.59 bilyong nai-remit noong taong 2021.

“I am proud to report that despite the challenges brought about by the pandemic, BCDA’s remittances to the National Treasury are higher, with an increase of Php 2.79 billion this year. Our aggressive collection efforts have paid off, generating funds while resolving long-standing disputes over properties or with business partners. Clearly, BCDA will not relent in its responsibility to build the nation and strengthen our Armed Forces,” sabi ni BCDA Officer-in-Charge Aristotle Batuhan.

Nabatid na P6.38 bilyon ng nai-remit ng BCDA ay mula sa ‘sale, lease, or joint venture development’ ng mga dating kampo military sa Metro Manila alinsunod sa Republic Act 7227 o ang Bases Conversion and Development Act.

Ito naman ay ilalaan ng Department of Budget and Management (DBM) sa AFP para sa modernisasyon ng hukbo at sa ibang ahensiya.

Read more...