SC ruling sa FDA ‘power’ sa tobacco products, ikinatuwa ni Sen. Pia Cayetano
Labis na ikinalugod ni Senator Pia Cayetano ang naging desisyon ng Korte Suprema na naglinaw ukol sa kapangyarihan ng Food and Drug Administration (FDA) sa mga sigarilyo at iba pang produktong tabako.
“This is a major victory for our people and advocates for tobacco control and public health,” aniya.
Magugunitang isinulong ni Cayetano ang FDA Act of 2009 na nagbibigay mandato sa FDA na i-regulate ang lahat ng produktong nakakaapekto sa kalusugan ng mamamayan, kasama na ang mga sigarilyo at produktong-tabako.
Inayawan ito ng manufacturers at idinulog sa Korte Suprema ang kanilang oposisyon sa pagbibigay kapangyarihan sa FDA.
Sa desisyon ng Korte Suprema, pinagtibay ang hurisdiksyon ng FDA sa mga sigarilyo at produktong tabako.
“This win is for the Filipino people and will benefit future generations. It may have taken 13 years, but it’s these victories that remind me to keep fighting the good fight. It’s what makes my job worthwhile,” sabi pa ngsenadora.
Umaasa rin si Cayetano na ang susunod na administrasyon ay pagtitibayin ang sistemang pangkalusugan sa bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.