Pumalo na sa 540 milyon ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.
Batay sa huling tala, pumalo na sa kabuuang 540,616,720 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.
Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang kaso ng COVID-19 ang Estados Unidos na may 87,321,703 cases.
Sumunod na rito ang India na may 43,232,004 na nagpositibo sa pandemiya.
Nasa 31,456,865 naman ang kaso sa Brazil habang 29,849,919 ang napaulat na kaso sa France.
Narito naman ang naitalang COVID-19 cases sa iba pang bansa at teritoryo:
– Germany – 26,847,783
– United Kingdom – 22,382,352
– Russia – 18,376,587
– South Korea – 18,229,288
– Italy – 17,653,375
– Turkey – 15,072,747
– Spain – 12,478,994
Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 6,331,624 ang bilang ng nasawi sa iba’t ibang bansa.
Nasa 515,943,358 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.