Update: 1 patay, 3 sugatan sa insidente ng pamamaril sa concert sa New York

By Dona Dominguez-Cargullo May 26, 2016 - 12:18 PM

Isa ang patay at sugatan ang tatlong iba pa sa insidente ng pamamaril sa isang concert sa New York City.

Naganap ang insidente alas 10:15 ng umaga (oras sa Pilipinas) sa Irving Plaza malapit sa Union Square sa Manhattan.

Ayon sa ulat, nagpe-perform sa concert ang rapper na si T.I. o Clifford Joseph Harris Jr., nang magkaroon ng kaguluhan.

Ayon sa mga pulis, kabilang sa nabaril ang tatlong lalaki at isang babae pero hindi pa tinukoy kung sino sa apat na biktima ang nasawi.

Una nang napaulat na isang 34 anyos na lalaking biktima ay nagtamo ng tama ng bala ng baril sa dibdib, ang 33 anyos na lalaki rin ay tinamaan naman sa tiyan at kapwa sila nasa kritikal na kondisyon.

Isang 26 anyos na babae naman ang tinamaan ng bala na nasa stable nang kondisyon.

Ang ikaapat na biktima ay nagtamo din ng tama ng bala sa katawan at ginagamot sa NYU medical center.

Inaalam pa ng pulisya kung ano ang dahilan ng pamamaril.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.