Driver’s license ng SUV driver na sumagasa sa mall security guard, binawi ng LTO

Binawi na ng Land Transportation Office (LTO) ang driver’s license ng Sports Utility Vehicle (SUV) driver na sumagasa sa isang mall security guard sa Mandaluyong City.

Sinabi ng ahensya na ito ay alinsunod sa Section 27 ng Republic Act 4136.

Ayon pa sa LTO, “perpetually disqualified” si Jose Antonio San Vicente Sr., ang may-ari ng Toyota RAV4 (NCO 3781) na sumagasa kay Christian Floralde noong Hunyo 5, na makakuha ng driver’s license at magmaneho ng motorsiklo.

Matapos ang isinagawang beripikasyon, lumabas sa LTO system na mayroong record si Sanvicente ng tatlong apprehensions dahil sa reckless driving taong 2010, 2015, at 2016. Patunay anila ito sa walang ingat na pag-uugali nito sa kalsada.

Matatandaang hindi sumipot ang driver sa dalawang show cause order na inilabas na ahensya upang magpaliwanag sa nangyaring insidente.

Read more...