Binisita ni Swedish Ambassador to the Philippines Annika Thunborg si Vice President Leni Robredo sa kaniyang tanggapan sa Quezon City, araw ng Lunes (Hunyo 13).
Nagpasalamat si Robredo sa tulong ng embahada sa iba’t ibang inisyatibo ng Office of the Vice President (OVP) upang makatulong sa mga mamamayang Filipino.
Naging katuwang ng OVP ang embahada sa mga ikinasang programa sa gitna ng pandemya, tulad ng pagbukas ngtemporary shelters para sa frontliners at mga ospital, pagbibigay ng bakuna sa mga komunidad.
Kaisa rin ng OVP ang embahada sa pagbabahagi ng household items at equipment sa mga residente noong itinayo ang Angat Buhay Village sa Marawi City, at maging sa #RespetoNaman campaign ng tanggapan at Spark Philippines laban sa gender-based violence.
Kinilala rin ni VP Robredo ang mga naiambag ng Sweden sa peace-building at women empowerment efforts sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Todo-pasasalamat din si Robredo sa nabuksang employment opportunities ng Swedish companies at maayos na pangangalaga sa Filipino workers.