Halos P4 dagdag sa presyo ng gasolina, kerosene epektibo bukas

Radyo Inquirer On-Line photo

Bad news na naman sa mga motorista.

Panibagong bigtime price increase ang ipatutupad sa mga produktong petrolyo sa araw ng Martes, Hunyo 14.

Batay sa anunsiyo ng Cleanfuel, Seaoil, at Shell, may dagdag na P4.30 sa kada litro ng diesel habang P2.15 naman ang patong sa kada litro ng gasolina.

Sa kerosene ng Seaoil at Shell, P4.85 naman ang idagdag.

Magiging epektibo naman ang paggalaw ng presyo sa ibang oil companies bandang 6:00, Martes ng umaga (Hunyo 14), habang 8:01 ng umaga sa Cleanfuel.

Asahang mag-aanunsiyo rin ng oil price adjustment ang iba pang oil company.

Read more...