Driver na sumagasa sa mall security guard, hinamon ni PNP-OIC Danao
Nagsususpetsa na si Philippine National Police (PNP) Officer-in-Charge Vicente Danao Jr. na maaring gumagamit ng droga ang driver ng sports utility vehicle (SUV) na sumagasa sa isang mall security guard sa Mandaluyong City noong nakaraang linggo.
Kasabay nito ang hamon ni Danao sa driver na sumuko at patunayan na hindi ito drug-user.
“Baka addict ka. Baka gumagamit ka, ayaw mo mag-surrender,” ang pahayag ni Danao patukoy kay Jose Antonio San Vicente Sr, ang may-ari ng Toyota RAV4 (NCO 3781) na sumagasa sa sa guwardiyang si Christian Floralde noong Hunyo 5.
Diin ni Danao, walang taong nasa tamang pag-iisip na sasagasa sa tao matapos mabangga.
Babala nito, agad nilang hahanapin si San Vicente Sr. kapag nagpalabas na ang korte ng warrant of arrest dahil sa kasong frustrated murder.
Dalawang beses nang hindi sumipot si San Vicente Sr. sa patawag sa kanya ng Land Transportation Office (LTO).
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.