178 volcanic earthquake naitala sa Bulkang Bulusan

By Chona Yu June 11, 2022 - 12:36 PM
PCG photo

Aabot sa 178 na volcanic earthquake ang naitala sa bulking Bulusan sa Sorsogon sa nakalipas na 24 oras.

Ayon sa Phivolcs, nasa 613 tonelada ng Sulphur dioxide ang ibinuga ng bulkan.

Umabot sa 150 metro ang taas ng plume.

Babala ng Phivolcs, patuloy ang hydrothermal activity at maaring magdulot ng panibagong phreatic eruption.

Una nang ipinag-utos ng lokal na pamahalaan na magpatupad ng pre-emptive evacuation sa bayan ng Juban dahil sa panganib na dulot ng bulkan.

 

TAGS: Bulusan, news, phivolcs, Radyo Inquirer, Sorsogon, volcanic earthquake, Bulusan, news, phivolcs, Radyo Inquirer, Sorsogon, volcanic earthquake

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

[forminator_form id="331315"]