‘Lady Scammer’ na nakatangay ng P30-M timbog sa Tarlac City

By Jan Escosio June 11, 2022 - 10:02 AM

Naaresto sa Tarlac City ang isang negosyante babae na diumano’y nakatangay ng aabot sa P30 milyon mula sa kanyang mga biktima.

 

Inaresto ng mga tauhan ng Warrant Section ng Tarlac City Police sa pamumuno ni Lt. Geoffrey Enrado sa 36-anyos na si Marjorie Villanueva, residente ng Las Haciendas Luisita, Barangay Central sa naturang lungsod.

 

Inisyu ni Judge Rechie Ramos-Malabanan, ng Pasay City Metropolitan Trial Court Branch 46 ang isinilbing warrant of arrest kay Villanueva na may petsang Nobyembre 9, 2021 dahil sa kasong estafa.

 

Naaresto ito pasado alas-4:10 ng hapon noong nakaraang araw ng Huwebes sa Barangay San Sebastian, Tarlac City.

 

May P18,000 inirekomendang piyansa para sa pansamantalang Kalayaan ni Villanueva.

 

Base sa impormasyon, magaling magkumbinsi si Villanueva sa alok niya na ang ipupuhunan na pera ay magiging doble o triple pa kayat marami siyang naging biktima.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.