Kapakanan ng mga healthcare workers itutulak ni Senador Bong Go

By Chona Yu June 11, 2022 - 09:55 AM

Patuloy na itutulak ni Senaador Bong Go ang kapakanan at karapatan ng mga healthcare workers sa bansa.

Pahayag ito ni Go sa gitna ng patuloy na pagiging chairman ng Committee on Health sa Senado.

“Hindi pa po rito nagtatapos ang aking apela sa gobyerno na bigyan ng nararapat na suporta ang ating mga healthcare at non-healthcare workers. Sila ang dahilan kung bakit napakaganda ng ating COVID-19 response,” pahayag ni Go.

“Tayong mga public servants, tuloy lang dapat ang malasakit sa ating HCWs. Hindi natin makakaya ito kung wala sila. Walang tigil dapat ang serbisyo lalo na sa panahon ng krisis na ito,” dagdag ng Senaador.

Una rito, naghain na ng panukalang batas si Go para amyendahan ang Philippine Nursing Act of 2002.

“Naka-focus masyado ang ibang kasalukuyang programa sa pangingibang bansa ng mga nurses natin. Gusto kong maisama ang community integration and immersion sa kanilang mga curriculum upang mahikayat naman natin silang magtrabaho sa mga pamayanan dito sa Pilipinas,” pahayag ni Go.

Isa si Go sa mga nagtutulak na taasan ang sweldo ng mga healthcare workers sa bansa.

 

TAGS: bong go, healthcare workers, news, Radyo Inquirer, bong go, healthcare workers, news, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.