China pinakamalakas na partner ng Pilipinas ayon kay Marcos

By Chona Yu June 11, 2022 - 08:19 AM

 

Pinakamalakas na partner ng Pilipinas ang China.

Pahayag ito ni incoming President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Award for Promoting Philippines-China Understanding na ginanap sa Dusit Hotel sa Makati City, kagabi, June 10.

Ayon kay Marcos, ang China ang naging kaagapay ng Pilipinas sa kasagsagan ng pandemya sa COVID-19.

Dahil aniya sa kooperasyon at komunikasyon, lalo pang lumago at lumakas ang ugnayan ng China at Pilipinas.

Umaasa si Marcos na lalo pang iigtingi ang ugnayan ng bansa sa mga susunod na araw.

Tiniyak pa ni Marcos na itutuloy niya ang mga independent foreign policy na nasimulan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Naging beneficial kasi aniya, hindi lamang sa Pilipinas at China ang mga polisiya ni Duterte kundi maging sa ibang bansa.

 

TAGS: BBM, China, Ferdinand Marcos Jr., news, partner, Radyo Inquirer, BBM, China, Ferdinand Marcos Jr., news, partner, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.