Nasugatan ang driver ng isang taxi at isang nagbibisikleta matapos bumagsak ang itinatayong crane sa isang construction site sa kahabaan ng H.V Dela Costa Street sa Makati City.
Tinamaan ng bumagsak na crane ang isang poste ng kuryente, mga kawad ng kuryente, isang taxi at kotseng nakaparada sa lugar.
Agad na isinugod sa ospital ang driver ng taxi na si Ramon Romeroja at ang lalaking dumadaan lamang sa lugar sakay ng bisikleta na si Romeo Lopez dahil sa tinamong minor injuries.
Watch: pic.twitter.com/kyGM15dFks
— Erwin Aguilon (@erwinaguilonINQ) May 26, 2016
Dahil sa nasabing insidente, isinara ang H.V Dela Costa dahil bumara sa kalsada ang bumagsak na crane at poste.
Tiniyak naman ng A.M Oreta Construction Company na sasagutin nila ang medical expenses ng dalawang nasugatan.
Nagsasagawa na rin ng imbestigasyon ang kumpanya sa dahilan ng pagbagsak ng crane na ginagamit para sa itinatayong gusali.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.