Ilang bahagi ng Roxas Boulevard sa Manila, sarado dahil sa Araw ng Kalayaan at pagbubukas ng dolomite beach

By Chona Yu June 11, 2022 - 08:04 AM

 

Sarado ang ilang bahagi ng kahabaan ng Roxas Boulevard sa Maynila bukas, June 12.

Ito ay para bigyang daan ang pagdiriwang ng ika-124 na Araw ng Kalayaan, pagbubukas ng Manila Bay walk Dolomite Beach at unveiling ng World War II Heritage Canon.

Base sa abiso ng MMDA, simula 6:00 ng umaga, sarado ang southbound at northbound ng Roxas Boulevard mula Katigbak Road hanggang sa TM Kalaw.

Pinapayuhan ang mga motorista na nagmamaneho ng light vehicles o maliliit na sasakyan na kumaliwa sa P.Burgos, kanan sa Maria Orosa, kanan sa TM Kalaw, o kaliwa sa MH del Pilar o Taft Avenue patungo sa point of destination.

Para naman sa mga truck o trailer truck na dadaan sa Roxas Boulevard, maaring kumaliwa sa P. Burgos o kanan sa Finance Road.

Para sa mga motorist na dadaan sa northbound, pinapayuhan na kumanan sa TM Kalaw, kaliwa sa Maria Orosa, kaliwa sa P. Burgos hanggang sa point of destination.

Para sa mga truck o trailer truck na dadaan sa northbound, kanan sa President Quirino Avenue, kaliwa sa Plaza Dilao hanggang sa point of destination.

Bandang 3:00 naman ng hapon, isasara ang Roxas Boulevard southbound at northbound para sa pagbubukas ng Dolomite Beach.

Sakop nito ang kahabaan ng TM Kalaw hanggang President Quirino Avenue.

Pinapayuhan ang mga motorist na mula sa northern part ng Manila o Pier Zone na kumaliwa sa P. Burgos, kanan saa Maria Orosa, kanan sa TM Kalaw, kaliwa sa MH del Pilar, kaliwa sa Quirino, kanan sa Mabini hanggang sa FB Harrison o kaliwa saa Taft Avenue hanggang sa point of destination.

 

TAGS: Araw ng Kalayaan, dolomite beach, mmda, news, Radyo Inquirer, road closure, roxas boulevard, sarado, Araw ng Kalayaan, dolomite beach, mmda, news, Radyo Inquirer, road closure, roxas boulevard, sarado

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.