Ka Rex Cayanong hari ng cock season

Nagpakitang gilas ang mga panabong ng Sabong On Air matapos magkampeon sa King Arthur 6-Cock Derby na nilarga sa state-of-the-art  RIPER Sports Santa Rosa Mega Cockpit sa Laguna. Pag-aari ni Ka Rex Cayanong, umiskor ng limang puntos mula sa apat na panalo at dalawang tabla sapat para tanghaling kampeon sa paderby ni Art Atayde. Unang giniba ng Sabong On Air ang Villa elena 789 Super Reyna sunod ang Tiger Shark ni Celso Salazar at saka pinupog ang  june 18  4 cock tuy cockpit at SMC ni Tady Palma. Natabla ang laban ng Sabong On Air sa entries na Gen X Figther at JJA – DVH. Matitibay at magagaling ang ipinakitang laro ng mga pandiin na warriors ni Cayanong dahil sa maayos na paghahanda ng kanyang handler na si Anteng  Bullecer at mga assistant na sina Ian Avila at Bhem Bhem Enrico. Si Juan Carlos “Tawo  “Bullecer ang naging mananari ni Cayanong. Ayon sa grupo ng Sabong On Air, ganado silang mag pointing ng manok dahil sa maaliwalas na kapaligiran ng RIPER Sports Sta. Rosa Mega Cockpit. Pang-apat na kampeonato na ni Cayanong ngayong cock season. Solo champion ang Sabong On Air sa WPC Battle of the Big Boys noong Marso 21, 2022 na ginanap sa Manila Arena sa Sta. Ana matapos umiskor ng anim na puntos. Nakipagtambalan si Cayanong kay Richard Perez, gamit ang RIPER/Sabong On Air entry, nakapagtala ito ng limang punttos sapat para angkinin ang titulo sa  JP dragon 6- cock Derby na binitawan sa new Antipolo  Coliseum noong Mayo 15. Makalipas ng mahigit isang linggo ay umararo na naman ang combined entry nina Cayanong at Perez na RIPER/Sabong On Air, pinupog ang lahat ng nakatunggali para mag kampeon sa  Hagibiz 4-cock Derby na nilarga naman sa isa sa magagandang sabungan sa Laguna na RIPER Sports Santa Rosa Mega Cockpit. Samantala, may pa derby si Cayanong sa June 16, ikakasa ang 6-Cock Sabong On Air Derby na gaganapin sa RIPER Sports Mega Cockpit kung saan ang pot money ay P110,000 habang P55,000 ang minimum bet.

Read more...