WATCH: Driver na sumagasa sa mall security guard hindi uli lumutang sa LTO

Hindi rin sumunod sa second and final show cause order ang driver ng sports utility vehicle na nanagasa ng isang mall security guard sa Mandaluyong City.

Tinaningan ng mga opisyal ng Land Transportation Office (LTO) ng hanggang 1:00, Biyernes ng hapon (Hunyo 10), ang ‘hit-and-run’ driver at hinintay pa siya ng kalahating oras ngunit hindi ito sumipot.

Sinabi ni Atty. Keiron Gubatan ng LTO Traffic Adjudication Board, na sa hindi pagsipot ng driver, maaring irekomenda na ang pagbawi sa lisensiya sa pagmamaneho nito.

Ayon kay Gubatan, si LTO Chief Edgar Galvante na ang magdedesisyon kung aaprubahan ang kanilang rekomendasyon.

Narito ang bahagi ng pahayag ni Gubatan:

Kaugnay nito, tumanggi pa rin ang mga opisyal ng ahensiya na kilalanin ang driver ng SUV na sumagasa sa guwardiya bagamat anila ang may-ari ng sasakyan ang pinadalhan ng dalawang show cause order.

Samantala, nakalabas na ng ospital ang sinagasaan na guwardiya at itinanggi niya na nakipag-ayos na sila sa sumagasa sa kanya bagamat ibinahagi nito na may kumausap na sa kanyang kapatid habang siya ay nasa ospital.

Sa bahagi naman ng Mandaluyong City Police, sinabi ni Police Lt. Col. Marlon Mallorca, naisampa na nila ang kasong frustrated murder laban sa driver at ito ay nasa Prosecutors Office na.

Read more...