WATCH: Pinay pasok sa grand finals ng Romania’s Got Talent

Isa na namang Pinay ang gumagawa ng pangalan at tanyag na ngayon sa Romania.

Ito ay matapos makapasok sa grand finals ng Romania’s Got Talent si Resciebelle Santiago, 25 anyos at tubong Dasmariñas, Cavite.

Sa kaniyang kwento sa interview sa kaniya ng nasabing programa, sinabi ni Santiago na siya ay laki sa hirap.

Ayon kay Santiago, simula pagkabata, pangarap na niyang maging tanyag sa kaniyang pag-awit.

Ikinwento pa niya na nagsimula siyang umawit noong siyang dose anyos para tulungan ang kaniyang ina sa mga gastusin sa bahay, pumanaw kasi aniya ang kanilang ama noong siya ay 1 taon gulang pa lamang.

Dagdag pa ni Santiago, para siya ay makapag-aral, nagtatrabago siya sa gabi pagkatapos ng klase.

Napabilib ni Santiago ang apat na hurado sa kaniyang rendisyon ng awiting “Drunk in Love” in Beyonce.

Bago magtungo sa Romania kung saan naninirahan ang kaniyang boyfriend, ay binansagan na noon bilang “Little Beyonce” ng Taiwan si Santiago noong nagtatrabaho siya doon.

Sa June 3 magaganap ang grand finals ng Romania’s Got Talent.

 

Read more...