Juan Karlos at Maureen Wroblewitz hiwalay na

(Instagram post of Juan Karlos)

Hiwalay na ang sikat na singer na si Juan Karlos at model na si Maureen Wroblewitz.

Base sa Instagram post ni Maureen nakasaad ang mga katagang “Life is not happening to, life is happening for you.”

Nakalagay naman sa Instagram post ni Juan ang mga katagang “I am the luckiest person in the world to have spent the past years of my life with you and I wouldn’t choose anybody else to have spent those years with.”

Lumalabas na maayos naman na naghiwalay ang dalawa.

Taong 2019 nang aminin ng dalawa ang relasyon.

 

 

Read more...