Diplomatic protests itutuloy ni Marcos laban sa China kung tuloy ang pagiging agresibo sa WPS
Tuloy ang paghahain ng diplomatic protest ni incoming President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. laban sa China.
Ito ay kung magpapatuloy ang China sa pagiging agresibo at pagpapadala ng mga barko sa territorial waters ng Pilipinas.
Sa Laging Handa Public Briefing, sinabi ni incoming National Security Adviser Clarita Carlos na hindi na bale kung abutin man sa 10,000 ang diplomatic protest.
Paliwanag ni Carlos, kapag kasi hindi nag-protesta ang Pilipinas, nangangahulugan ito na pinapayagan lamang ang China na ipagpatuloy ang pagiging agresibo nito.
Itutulak ni Carlos ang multilateral at bilateral talks sa China.
Taong 2016 nang manalo ang Pilipinas sa China matapos katigan ng Permanent Court of Arbitration sa The Hague na kinikilala ang karapatan ng Pilipinas na may historical claims sa karagatang sakop ng West Philippine Sea.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.