Bilang ng mga Pinoy na walang trabaho, nabawasan

By Chona Yu June 10, 2022 - 10:37 AM

 

Nabawasan ang bilang ng mga Filipino na walang trabaho noong buwan ng Abril 2022.

Ayon sa ulat ng Philippine Statistics Authority, nasa 2.76 milyon na lamang o 5.7 percent ng mga Filipino ang walang trabaho noong Abril.

Mas mababa ito kumpara sa 4.14 milyong walang trabaho noong Abril 2021 at 2.87 milyong walang trabaho noong Marso 2022.

Sinabi pa ng PSA na ito na ang pinakamababang bilang ng mga Filipino na walang trabaho mula nang tumama ang pandemya sa COVID-19 may dalawang taon na ang nakararaan.

 

TAGS: jobless, news, Philippine Statistics Authority, Radyo Inquirer, tambay, walang trabaho, jobless, news, Philippine Statistics Authority, Radyo Inquirer, tambay, walang trabaho

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.