IRR ng benepisyo ng healthcare workers pinamamadali ni Sen. Bong Go

By Jan Escosio June 10, 2022 - 10:19 AM

Hiniling ni Senator Christopher Go sa Department of Health (DOH) at Department of Budget and Management (DBM) na madaliin ang pagpapalabas ng implementing rules and regulation (IRR) para sa pagbibigay ng mga benepisyo sa mga healthcare workers.

Sinabi ng namumuno sa Senate Committee on Health hinihintay na ng mga healthcare workers ang pagpapatupad ng RA 11712 o ang Public Health Emergency Benefits and Allowances for Healthcare Workers Act.

“Maliit na bagay po ito na dapat ibigay sa mga namatay at nagkasakit dahil sa COVID 19,” katuwiran ng senador.

Nabatid na inaasikaso pa ng dalawang kagawaran ang IRR para ngayon taon gayundin ang compensation claims noong nakaraang taon.

Nabanggit pa ni Go na alinsunod sa batas, may kapangyarihan ang pangulo ng bansa na pabilis ang pagpapalabas ng mga benepisyo ay kompensasyon.

Noong nakaraang Abril 27 nang pirmahan ni Pangulong Duterte para maging ganap na batas ang panukala.

TAGS: IRR, news, Radyo Inquirer, Senador Bong Go, IRR, news, Radyo Inquirer, Senador Bong Go

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.