Presidente ng Nintendo, patay na

nintendoIniulat ng gaming company na Nintendo na namatay na ang kanilang pangulo na si Satoru Iwata.

Si Iwata ay namatay noong Sabado dahil sa bile duct growth o impeksyon sa kanyang apdo.

Sumailalim pa sa maselang operasyon noong isang taon si Iwata dahil sa kanyang sakit.

Bago naging pangulo ng Nintendo, nagsimula ng kanyang career si Iwata bilang freelance programmer ng HAL Laboratory na isang subsidiary ng Nintendo Corporation.

Taong 1993 nang gawin ni Iwata ang sikat na computer game na Baloon Fight at Kirby kung saan ay umani sya ng maraming parangal lalo na sa abroad.

Taong 2002 ng mapili siyang ika-apat na pangulo ng Nintendo makaraang magretiro ang Nintendo pioneer na si Hiroshi Yamauchi dahil sa katandaan.
Sa ilalim ng pamumuno ni Iwata sa Nintendo nakita ang innovation sa computer at on-line games ng kanilang kumpanya.

Mula sa simpleng interface ay na-develop ng grupo ni Iwata ang maganda at makatotohanang mga computer games.

Si Iwata ang nagtulak sa development ng Game Cube, The Wii, DS at ang sikat na Wii U./Den Macaranas

Read more...