Hindi pa rin nagbabago ang polisiya ng Inter Agency Task Force (IATF) sa pagsusuot ng mask, ayon sa Department of Health (DOH).
Sinabi ng kagawaran, nanatiling ‘mandatory’ ang pagsusuot ng mask.
“Current IATF protocols allow only for specific instances when masks can be taken off, such as when eating or during certain well-ventilated sports and activities,” ayon sa DOH.
Ginawa ng kagawaran ang anunsiyo matapos magdesisyon ang pamahalaang-panglalawigan ng Cebu na hindi na kailangan ang mask sa mga ‘well ventilated and open spaces.’
Katuwiran ng DOH malaking tulong ang pagsusuot ng mask para hindi tumindi ang hawaan ng nakakamatay na sakit.
“Scientific evidence supports the use of best fitting face masks in reducing the transmission not only of COVID 19, but also other infectious and respiratory diseases including Monkeypox, should it reach the country,” diin pa ng DOH.