P47.6-M halaga ng shabu nakumpiska sa Dasmariñas, Cavite

Nakumpiska ng nga awtoridad ang P47.6 milyong halaga ng shabu sa Dasmariñas, Cavite noong Miyerkules, Hunyo 8

Naaresto ng pulisya sa anti-illegal drugs operation ang dalawang drug suspects na sina Alonte Ungpe, 39-anyos, at Ali Dimapuro Masinger, 22-anyos.

Nag-ugat ang operasyon mula sa mahigpit na surveillance at information gathering ng Dasmariñas City Police Station at Philippine National Police – Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG).

Natagpuan ang mga kontrabando na isinilid sa loob ng tea bags.

Binati naman ni PNP Officer-in-charge Lt. Gen. Vicente Danao Jr. ang naging matagumpay na operasyon.

“I congratulate our personnel for this commendable accomplishment in our campaign against illegal drugs,” pahayag nito.

Kapwa mahaharap ang dalawang drug suspects sa kasong paglabag sa Sections 5 at 11 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Read more...