DSWD, mamamahagi ng P500 ayuda sa higit 12.4-M pamilyang Filipino
Ipamamahagi na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang P500 ayuda sa mga mahihirap na pamilyang Filipino bago pa man matapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Hunyo 30, 2022.
Sa Laging Handa Public Briefing, sinabi ni DSWD spokesperson Irene Dumlao na inaayos na lamang ang mga kaukulang dokumento para maipamahagi na ang ayuda.
Nasa 12.4 milyong pamilya ang makatatanggap ng ayuda.
Noon pang buwan ng Marso, iniutos ni Pangulong Duterte na bigyang ayuda ang mga mahihirap na pamilya para makaagapay sa pagtaas ng presyo ng bilihin dahil sa pagtaas ng presyo sa produktong petrolyo.
Sinabi pa ni Dumlao na ina-account na lamang ang mga mahihirap na pamilya na mayroon nang existing cash cards para agad na mahatiran ng first tranche ng subsidy.
Una nang sinabi ng Department of Budget and Management (DBM) na matatanggap ang P500 ayuda sa loob ng tatlong buwan lamang.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.