Masalimuot na problema sa sistema ang agad na bunungad kay incoming Justice Secretary Crispin “Boying” Remulla.
Ito ay matapos makipagpulong ni Remulla kay Justice Secretary Menardo Guevarra sa DOJ, Manila araw ng Huwebes, Hunyo 9, para sa transition period.
Paliwanag ni Remulla, hindi kasi madali na hawaan ang 11 ahensya na nasa ilalim ng DOJ.
Hindi naman tinukoy ni Remulla kung anong mga problema sa DOJ ang kanyang kakaharapin.
Naging mabunga at informative naman aniya ang pagpupulong nila ni Guevarra.
Ayon kay Remulla, hihingi pa siya ng isa pang meeting kay Guevarra.
Isang malaking ‘work in progress’ aniya ang kanyang itutuloy oras na maupo sa DOJ.
Sa ngayon, sinabi ni Remulla na wala pa siyang napipili na undersecretaries at sssistant secretaries na makatutuwang sa pagpapatakbo sa DOJ.
Narito ang bahagi ng pahayag ni Remulla:
WATCH: Incoming Justice Secretary Crispin Remulla: We had a meeting with Secretary Guevarra and we may ask for a second one kasi masalimuot talaga ang problema sa sistema na kailangan nating isaayos. @radyoinqonline pic.twitter.com/a9Prp3FGx8
— chonayuINQ (@chonayu1) June 9, 2022