Uniteam nakatipid sa kampaniya dahil sa volunteerism
Ibinahagi ng isa sa mga sumuporta sa BBM – Sara Uniteam na nakatipid ang dalawang bagong mamumuno sa bansa dahil sa ‘network of volunteers.’
Sinabi ito ni Benito Ranque, lead convenor ng Marcos – Sara Duterte Alliance (MASADA), dahil sa mga pagdududa ukol sa idineklarang nagastos ni President-elect Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. sa isinumite niyang Statement of Contributions and Expenditures (SOCE) sa Commission on Elections.
Paliwanag pa ni Ranque, ang kanilang grupo ang isa sa mga agad kumilos sa mga lalawigan para ikampaniya sina Marcos at Duterte kahit wala silang tinatanggap na anuman mula sa mga kampo ng dalawa.
Pinabulaanan nito ang mga iniisip ng mga political analysts na aabot sa bilyong-bilyong piso ang ginastos ni Marcos sa kanyang 90 araw na pangangampaniya.
“It was the clarion call for volunteerism that gained track and resulted in less spending as compared to previous presidential derbies where candidates for the Palace post would spend at least one billion pesos with no guarantee of winning. Just an effective campaign,” paliwanag pa ni Ranque, na isang undersecretary sa Department of Energy.
Ibinahagi pa nito na nagpakalat sila ng mga grupo ng volunteers na nagkasa ng ‘traditional and social media campaigns’ at aniya bago pa magsimula ang kampaniya nakapagtatag na sila ng ‘network of volunteers’ sa malaking bahagi ng Pilipinas.
Sa isinumiteng SOCE ni Marcos, idineklara nito na higit P623 milyon ang nagasta sa kanilang pangamgampaniya at binubuo ito ng P317.7 million cash at P251.4 million in-kind contributions.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.