Palasyo ayaw sumawsaw sa plano ng administrasyong-Marcos Jr. sa vloggers

Dumistansya ang Malakanyang sa balak ni incoming Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Trixie Angeles na i-accredit ang mga vloggers sa Palasyo.

 

Ayon kay acting presidential spokesman at PCOO Sec. Martin Andanar, bahala na ang susunod na administrasyon kung bibigyan ng access ang mga vloggers na makapag-cover sa mga presidential briefing.

 

“The plan to grant press credentials to vloggers in Malacañang is an internal decision of the incoming administration,” pahayag ni Andanar.

 

Una nang sinabi ng journalist na si Vergel Santos na ang blogging ay hindi journalism dahil ang mga journalist at sumailalim sa training at sumusunod sa ethics at System of Checks for Truthful Reporting.

 

“Any reaction or queries on the matter should therefore be best answered by the next administration’s Press Secretary-designate,” dagdag pa ni Andanar.

 

Una rito, sinabi ni Angeles na bibigyang prayoridad ng susunod na administrasyon ang akreditasyon ng mga vlogger bagay na tinutulan ng ilang mamahayag.

Read more...