Aabot sa P4.605 milyong halaga ng mga ‘abandoned and forfeited goods’ ang sinira ng Bureau of Customs.
Ayon kay BOC District Collector Carmelita Talusan, layunin nito na malinis ang warehouse sa Port of NAIA.
Kabilang sa mga sinira ang mga expired and unregistered food items, UV lamps, ipinagbabawal na Chinese medicines, at 60 karton ng mga pekeng sigarilyo na nagkakahalaga ng P 3.893 milyon.
Paliwanag ng opisyal, ang lahat ng produkto ay sumailalim sa condemnation through pyrolysis at sa pamamahala ng BOC-NAIA Auction and Cargo Disposal Division.
Tiniyak ni Talusan na mahigpit na babantayan ng BOC ang mga entry point sa bansa para hindi makapasok ang mga kontrabando.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.